<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7055102?origin\x3dhttp://rhymes-without-reason.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Photobucket - Video and Image Hosting

Sunday, August 22, 2004
wikang pambansa

Naglalaro kami ng baraha nila Joel nang sabihin niya sakin na magsulat tungkol sa kanilang apat (ang kalbo, panot, nakakalbo at oso) si joel nagsabi ng mga yun kaya medyo korny..kaya ito na..
Naalala ko pa na parang kahapon lamang ng dumating sila sa ikalawang semestre ng ikalawang taon ko sa kolehiyo..Naalala ko pa na kamuntikan na si *** ang kanilang makasama dun, di ko maisipkung ano ang mangyayari kung natulo yun..Sa kadahilanang kulang ang kanilang bumbilya, minarapat kong ibigay ang sobra naming bombilya..Nahihirapan din sila sa dahilang ala silang pansalong-puwit kaya pinahiram ko na rinsa kanila and 2 naming pansalong-puwit..Kung aking ililista ang mga gamit na kanilang hinihiram mula sa madalas hanggang madalang: 1) abrilata (can-opener) 2) mantika3)panggupit kuko (nail cutter) 4)ketchup 5)plato..Huwag n'yo sanang isipin na ayaw ko silang pahiramin ng mga nasabing gamit, ala pa lang talaga akong maisip na isulat sa ngayon..

Pagkatok..sa tuwing my kakatok samin ay malamang alam ko na kung sino un..Kapag normal ang pagkatok (si Jelo)..kapag may kumatok tapos ilang segundong katahimikan sabay "Raymond??" (si Caesar)..Kapag may kumatok na sobrang hina na dapat ata ay matindi ang pandinig tapos paminsan pa'y sabay lalaruin ang "chimes" namin (si Joel)..Malaking tulong sa akin ang mga kapitbahayko sa akin, tuwing gabi at may examen kinabukasan at wala akong maintindihan, lilipat lamang ako sa kanila at sabay-sabay kaming maglalaro ng pusoy dos (dahil di rin naman pla nila naiintindihan)Sa kanila ako natuto ng mga laro sa baraha (pusoy dos, in-between at 1,2,3,4 pati ang pagbibilyar)..Natutunan ko din kay Joel kung pano mag-aral ng nakapikit at sa kanila ko unang natikman ang Gusto cornbeef, natutunan ko naman kay Caesar na pwede pa lang lagyan ng itlog and tuna at kay Jelo..teka..ala akong maisip..Natutunan ko din sa kanila na ang pakwan ay mabaho kapag iniwan mo ng halos isang buwan..Masaya silang kasama lalo na tuwing gabi at pagdidiskitahan na ni Jelo (at gagatong naman kami) ang damit ni Rhenz, ang diyos ng mga oso..Hindi lilipas ang gabi na hindi sasakit ang tiyan namin..Nandiyan ang "tig-oso" (English accent and pagbigkas) ang nawawalang miyembro ng "Power Rangers"..ito'y hybrid ng isang tigre at oso..Kung di nyo pa ito nakikita ito ay oso na itim na may orange na guhit-guhit..

Tunay na masaya nga silang kasama ngunit sa darating na semestre ay may posibilidad na umalis na sila, ako'y mangungulila sa mga ginagawa natin kay Rhenz, pusoy dos at ang bago nating pampalipas oras ang "Hangaroo"..

Stupid_Doug sitting... waiting... at 8/22/2004 08:28:00 AM | 0 comments



0 Comments:

Post a Comment

[ 'bout me. ]

"raymond j. san diego. aka monmon / momon / esdi / sd. Graduating psych student. Gemini. Suffers from bipersonality disorder. Could last a day without talking. Or could be the most manic person the next minute. Also suffers from sleep paralysis. Loves the color green. Love dogs. Loves to sweat it out. Loves spongebob. Frustrated cook. Frustrated singer. Frustrated instrument player. Too optimistic.Too passive at times that he would laugh about things. Too preoocupied with himself that he's talking in third person. "


[ Speak up!. ]


 



Stupify

[ FRienDS ]

[carla] [jenny] [leah] [nutcase] [she] [rhezi] [jelo] [gay] [lele] [lynard] [kyang] [nina] [jaycee] [may] [trey] [caesar] [adriel] [epai] [joel] [louanne] [chika] [ness] [orange] [gjeff] [ghala] [arianne] [veron] [hera] [patrick]

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com