Sunday, January 02, 2005
jeep
ala lng na-inspired ako ng jeepney by Spongecola
Para makarating ng paaralan kailangan mag-dyip
Isa biyaheng bayan at isa biyaheng crossing;
Kailangan sa biyaheng bayan sumakay upang diretso na sa eskwela
Subali matumal ang biyaheng bayan;
Abang sa daan sa minimithing dyip
'Di baleng alang radyo o hindi man sa harap maupo basta sa nais kong biyahe lamang;
Ilang minuto daan ang biyaheng crossing
Ala pa rin ang nasabing dyip;
Ano ba meron sa biyaheng bayan?
Palibhasa isang sakay lang mas mura;
Mas praktikal mas mabilis
Mas naayon..
Daan muli ang biyaheng crossing
Sabay tigil ng dyip sa aking harapan;
"Sakay na", animo'y sinisigaw ng nakatingin na manong driver
"Sa bayan po", sagot ko sa nangungutya niyang tingin
Ngunit higit pa doon ang dahilan
Mahirap talagang pakawalan ang nakasanayan na;
Sanay na kasi sa isang sakay
'Di na kialangang sumakay pa ng "karatig"
Sabihin na nating napamahal
Nakasanayan, napalapit;
Mahirap pawalan ang bagay na nakasanayan
Naging malaking parte na iyong araw..nang iyong buhay;
'Di baleng ma-late sa klase
'Di baleng mag-antay sa init ng araw;
Sa alikabok ng malupang daan
Sa paghinto at kala mong nangungutya ng mga biyaheng crossing;
Okay lang na mag-antay
Na matuliro, mauto, mangawit..
Na umasa sa wala..
Sa dyip at biyaheng matagal ng minimithi at inaasam..
Stupid_Doug sitting... waiting... at 1/02/2005 10:51:00 AM |
0 comments
|
[ 'bout me. ]
"raymond j. san diego. aka monmon / momon / esdi / sd. Graduating psych student.
Gemini. Suffers from bipersonality disorder. Could last a day without talking.
Or could be the most manic person the next minute. Also suffers from sleep paralysis.
Loves the color green. Love dogs. Loves to sweat it out. Loves spongebob.
Frustrated cook. Frustrated singer. Frustrated instrument player.
Too optimistic.Too passive at times that he would laugh about things.
Too preoocupied with himself that he's talking in third person. "
[ Speak up!. ]
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com
|