Monday, March 20, 2006
bb
Isang araw nagpunta si Pepe sa Maynila para mag-aral. Dala-dala nya ang mga gulay at manok na padala ng magulang, may bitbit din siyang banig para higaan niya at kulambo para sa mga lamok. Tapos unang araw ng klase nahirapan siyang makipagkita sa mga kapwa niya mga galing probinsya and four years later he's sitting infront of the monitor and thinking of something to write for his second family..
Maraming salamat sa walang humpay na kasiyahan! salamat sa walang katapusan tawanan! sa mga nagpakopya salamat. sa mga hindi (natatakot na mataasan) salamat na din.
Salamat sa pagdala ng pagkain! Sa mga nagdala ng magic flakes, junk foods, tubig, iced tea, lemonade, etc pati n din sa mga nagpakagat sa mga sandwich nila salamat!
Salamat sa mga mababait na nagbigay ng papel intermediate man o yellow pad. salamat sa mga reviewers, sa 'di nabigyan pasalamat ka na din kahit papano may dahilan ka kapag mababa nakuha mo.
Salamat sa malakas mong boses at makulit na takong na nagpapagising sa aking tuwing umaga. salamat sa pagsabay sa jeep at walang katapusang kwentuhan at pag-iisip. salamat sa paghahati natin sa iced tea at pagtabi sakin, ang laki ng naging pagbabago nun sa buhay ko. salamat sa pangangamusta at thoughtfulness kahit mdyo matapang ng dating.
Salamat sa pagpapatawa kahit di mo sinasadya, ang saya kapag ikaw ang nagrereport. salamat sa pagiging active mo kahit papano may representative ang block. salamat sa konting taray at pakikisama kapag tayo ay nagkikita. salamat sa katarayan at pagpaparamdam mo na mdyo pasan mo ang mundo dahil nalaman ko na mababaw pa ang problema ko.
Salamat sa pagikot ng iyong kamay dahil napatawa mo ko dun pero pataba ka naman ng konti wag mo kong gayahin. salamat sa pagtanggap mo sakin at pakikining sa mga problema, 'di kita kailanman makakalimutan. salamat sa mga intelligent jokes at mind games at sa pagsawsaw dahil kahit ppano may pinagtritripan kaming lahat. Salamat sa pagiging kapitbahay ko sa loob ng 2 taon, pagsabay sa tanghalian at dahil din sayo napadali ang buhay kolehiyo. Salamat sa pagturo ng mga bagay-bagay at sa mga sarcasm dahil dun napatawa mo ako. Salamat sa paglakad ng mabilis dahil natutunan ko na TIME IS REALLY GOLD. salamat sa pagiging kalog at kahit sa maikling panahon na nakasama ka napasaya mo ako at masaya akong naging kaibigan kita.
Salamat sa walang humpay na pagtext sa umaga dahil nagigising ako dun pero favor kapag weekends medyo gawin mong late kahit 1 oras man lang. salamat sa mga disgrasya dahil dun natawa ako at nasasabi kong hindi lang ako ang malas sa araw na ito. salamat sa pag-ngiti kahit mukang sabog ka sa araw na yun kahit ppano pinansin mo ko. salamat sa sincerity at pagiging totoo mo. salamat sa pangungulit dahil natutunan kong ang virtue ng patience.
Salamat sa pag-intindi at pagtitiis sa pangungulit namin. salamat sa pagiging prangka at totoo, ang tapang mo! Salamat sa pagtitimpi sa tuwing tinutukso ka namin sa kanya. salamat sa pagiging gwapo at naramdaman ko na di ako nag-iisa pati na rin sa pagsakay sa mga trip ko. salamat sa pagpapaalala sakin na maswerte ako na malapit lang ang inuuwian ko.
Salamat sa pagiging mabait at nainspire mo akong maging mabuting tao. salamat sa makulit mong halakhak at pakikisama sa kalokohan man o katinuan. salamat sa pagiging ikaw dahil natutunan ko na mas maging malapit pa sa Diyos. salamat sa pamamamngka mo kapag spanish dahil dun hindi nagiging boring ang lahat at mas umiikli ang oras.
Salamat sa pagtabi sakin at pagtitiis kahit alam ko namang HD ka sakin, tulad ng nauna salamat dahil mas lumakas ang pananampalataya ko at alam ko naging mas mabuti akong tao sa tulong mo. salamat esdi sa pagiging gwapo hayaan mo ganyan talaga ang buhay konting tiis pa. salamat sa pag-intindi sakin kahit na di ka tumatawa sa jokes ko kasi akala mo nagsasalita lang akong mag-isa.
Salamat sa pagiging pangulo namin dahil sayo maayos ang lahat, nakakatakot na nakakatuwa ka. salamat sa pagiging bibo kahit papano hindi lang boses ng titser ang naririnig ko. salamat sa katahimikan at pakikinig sa akin sana wag ka din magsawa an lumapit sakin. salamat sa mga hw's na pinakopya mo sakin laking tulong nun.
Salamat sa pagiging spongha dahil sayo nalaman ko ang halaga ng pagiging "good listener". salamat sa pagiging sabog dahil napapatawa mo ko kahit na nawweirduhan na tayo sa isa't isa. Salamat sa mga 'iregs' na nakatabi ko kasi..ala lng..
apat na taon. minsan natanong ako "di ka ba jan nagsasawa, lagi na lang kayong umaalis?" di ko lang masabi at di lang nila maintindihan na paano at gaano kasaya ng buhay. masaya kapag kasama ko sila. alam ko na kahit papaano parte ako ng buhay nila at napapasaya ko sila at napapasaya din nila ko. hindi ko lang alam paano sasabihin sa kanila na sa harap niyo ramdam ko na isa akong tao. di lang nila alam kung paano nagbago ang buhay ko nang nakilala ko kayo. mas buhay. mas makulay. puno ng saya. puno ng tawa. lahat nagiging mahalaga.
parting is such a sweet sorrow. i would just share this song with you guys..sbrang ganda.db leah?
minsan sa may kalayaan tayoy nagkatagpuan.may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay.sa ilalim ng iisang bubong.mga sekretong ibinubulong.kahit na anong mangyari.kahit na saan ka man patungo.
ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon.sanay huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan.at kung sakaling gipitin ay laging iisipin.na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan.minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin.inuman sa magdamag na para bang tayoy mauubusan.sa ilalim ng bilog na buwan.mga tiyan natiy walang laman.ngunit kahit na walang pera.ang bawat gabiy anong saya.
minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari.kahit na anong gawin.lahat ng bagay ay merong hangganan.dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon.di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan.ngunit kung sakaling mapadaan baka.ikaw ay aking tawagan dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan
Stupid_Doug sitting... waiting... at 3/20/2006 09:51:00 PM |
0 comments
|
[ 'bout me. ]
"raymond j. san diego. aka monmon / momon / esdi / sd. Graduating psych student.
Gemini. Suffers from bipersonality disorder. Could last a day without talking.
Or could be the most manic person the next minute. Also suffers from sleep paralysis.
Loves the color green. Love dogs. Loves to sweat it out. Loves spongebob.
Frustrated cook. Frustrated singer. Frustrated instrument player.
Too optimistic.Too passive at times that he would laugh about things.
Too preoocupied with himself that he's talking in third person. "
[ Speak up!. ]
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com
|